Hello po! Kahit hindi niyo na po ipublish iyong name ko. Congratulations din po pala sa daughter niyo for being reconsidered at UP. I am also a UP student po kasi, ahead lang ng one year sa anak ninyo.
So ayun, matagal ko na pong naririnig iyong name ninyo kahit dati pa pero I just didn’t hop on the bandwagon kasi I thought you were just overrated po talaga. Mahilig din po akong mag-ipon ever since I was young, bata pa rin naman po ako until now kasi I’m only 19 years old pero as in since paslit pa po, mahilig na akong mag-ipon. Pero ayun nga po, wala pong kinapupuntahan iyong savings ko kasi nagagastos ko din po siya kapag may gusto akong bilhin or may gala ako with friends. Ang asset pa lang po talaga na meron ako is iyong pera ko po sa stock market (mutual fund actually) through COL Financial na naiinvest ko during my summer job before I entered College.
Then this pandemic po, may friend po ako na nagbenta sa akin ng two bestseller books ninyo na “My Ipon Diary” and “My Badyet Diary.” Nainspire po talaga ako na mag-ipon and mag-invest pa. In fact, hindi na nga po ako nagpatumpik tumpik pa at sinimulan ko na po ang 52-week Ipon Challenge. Nagpledge po ako na maghuhulog ng 140 pesos every week until I finish 52 weeks. Magaan lang naman po kasi bente bente lang naman sa isang araw.
A little background story din po, may online business na po talaga ako even before I read your books. Nagba-buy and sell po ako ng mga damit, inPods, strawberry jam, chocolate peanut butter, face massager at kung anu-ano pa.
Pero nadagdagan po iyong business ko after ko mabasa ang books ninyo at matapos ko po kayong ifollow sa YouTube channel at Facebook page ninyo. Ngayon po ay mayroon na po akong variety store (sari-sari store) galing sa sarili kong ipon sa harap ng bahay namin at mas inspired pa po akong igrow ang Emergency Fund ko.
Nakakatuwa nga po kasi ngayon, nakakapagnegosyo na ako and nakakapag-aral habang binabantayan ang negosyo ko. Plan ko pa pong dagdagan ang puhunan ko kapag natanggap ko po ang stipend ko from my DOST scholarship para po nagnenegosyo ako habang nagoonline classes.
Gusto ko pa pong mag-ipon ngayon para mahulugan ko ang PAG-IBIG ko at makakuha po ako ng rent-to-own na bahay kapag kaya nang icover ng businesses ko ang mortgage ng isang bahay. Naisip ko po kasi na mas maganda kung idadiversify ko ang investments ko.
Mas naging giving din po ako sa tithes ko sa church and although, aaminin ko po na kuripot pa rin ako, mas nakita ko po ang importance of generosity. Kasama din po sa isineshare ko sa friends and family ko ang knowledge ko ngayon when it comes to financial literacy.
Ngayon po pati si Mama, motivated na din po na mas lalong magbusiness at mag-invest.
Maraming salamat po talaga sa tulong ninyo. Ang dami ko pong natutunan sa page, channel, at books ninyo. God bless po and more power po sa inyo.
-A certified Iponaryo
Get to know more about Chinkee Tan’s Team Iponaryo here.
MORE Iponaryo stories here:
- Sa Sukli Lang Nakabili Ng Kotse? | Iponaryo
- Nakapagpagawa ng Bahay Dahil sa Ipon Mula sa Negosyong Prutasan | Iponaryo
- 426K Ang Naipon Dahil Sa Dedikasyon
SHARE THIS STORY to inspire others to save and be certified Iponaryos!
Be part of our vibrant Good News Pilipinas community, celebrating the best of the Philippines and our global Filipino heroes. As winners of the Gold Anvil Award and the Lasallian Scholarum Award, we invite you to engage with us and share your inspiring stories. For stories Making Every Filipino Proud, reach out to GoodNewsPilipinas.com via Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, YouTube, and LinkedIn. LinkTree here. Let’s spread good news together!