HomeGood SavingsMag-asawa nagtulungan na makaipon ng 70 thousand (Sana All!)

Mag-asawa nagtulungan na makaipon ng 70 thousand (Sana All!)

Mag-asawa makaipon ng 70 thousand
Proud kaiponaryo Mr. and Mrs. R. Gonzaga share their #ChinkeeTanIponaryoStory in this first Good Savings feature. Chinkee Tan post.

Unang una po gusto ko po tlaga magpasalamat kay God sa pagbibigay nya sakin ng determinasyon sa pag iipon.. Pangalawa po sa inyo mr. chinkee tan super solid po talaga at malaking tulong sa gaya ko ang mga books nyo nun una po nagduda ako sa sarili ko kung kaya ko po ba tlaga ang makapag ipon.. Nakakapag ipon nman po ako noon pa pero hindi po nagtatagal at nabubuksan konpo tlaga dahil sa biglaan pangangailan ng pamilya.

Nagsimula ang pandemic dito na kami nahirapan ng husto nawalan ng trabaho asawa ko kaya na stress po talaga ko ng husto kasi 1yr old palang ang bunso ko at ng dede at diaper pa.. Hindi ko alam saan kukunin ang lahat ng needs namin sa araw araw na gastusin gatas ng anak ko diapers, bills, gas, at kung ano ano pa.. Nabuksan ko ang kakasimula ko palang noon na alkansya nagtinda ako ng kung ano para makatawid sa pang araw araw namin pagkain at pang gatas at diaper ng bunso ko.. Lahat ng pwede pagkakitaan pinasok ko nagtinda ng kung ano ano( merienda, siomai mga fishball, lumpia) para man lang pambili ulam pero hindi sapat.

Hanggang pinasok ko pagtitinda ng damit at kahit basahan eh pinatos ko narin intinda,, at kung ano ano pa ngtinda ako ng mga palaman, frozen foods, nagtinda ng manok, sabon diko napo yata maalala ang iba basta po kung san ako kikita go ako.

Hanggang sa kumapit din ako sa online investment sa una kumita ako pero kalaunan ay na scam na pero di ako sumuko yung natitira kong pera matapos ako mascam ginamit ko ulit puhunan, nag umpisa nadin magsideline ang mister ko tulong kami para kumita.

Signage maker ang asawa ko nun nawalan sila ng trabaho nagsubok kami ng freelancer at paisa isa ay may mga nagpapagawa naman sa maliliit na tindahan hanggang sa inirerekomenda na kmi ng aming mga naging kliyente kumikita na kami ng konti.

Ang teknik ko kapag kumita asawa ko at binigay nya sakin hinahati ko.. Kalahati nakatago at kalahati eh pang gsmastos namin bukod pa sa sarili kong mga raket na pagtitinda.

Jan 2022 nag start ako mag ipon ulit dahil niregaluhan ako ng pinsan ko ng piggy bank una duda ako kung kaya ko kasi yung pinaka malaking piggy bank ang binigay sakin.. Hinamon ko din sarili ko sabi ko december ko pa sya bubuksan pero hindi nangyari kasi june palang napuno ko na sa loob ng 6months diko akalain na makakaipon ako lahat ng kinita ko sa mga ibat ibang raket ko at pagtitinda inipon ko lang. This day binuksan ko na kasi napuno na agad ☺️☺️ pero kahit nabuksan ko na sya tuloy parin ang pag iipon ko from june-dec 2022 ko naman ulit buksan.

Malaking tulong sa pag inspire yunv mga books plus dagdagan mo ng disiplina sa gastos at determinasyon. Gusto ko po kasi makabili kahit maliit na bahay para sa nanay at tatay ko.. Kaya tuloy lang ang ipon ko.
Thank you thank you po tlaga.. Ito nga po pala ang ipon ko from JAN 2022-JUNE 6 2022..

Mrs R.GONZAGA
(Proud kaiponaryo😊☺️)

TAG YOUR IPON PARTNER PARA MA-INSPIRE din kayo na mag-ipon! Gusto niyo rin bang makaipon? Ako ang gagabay sa inyo kaya do not worry. Tutululungan at tuturuan kita sa pamamagitan ng mga BEST SELLING BOOKS ko. Heto ang nakatulong sa kanilang mag-asawa kaya sila nakaipon ng 79k!

Good news! Naka-sale today ang 4 best-selling books ko P499 na lang. Pag bumili ka, may libre pa itong PISO PLANNER. So 5 libro ang makukuha mo! Sulit na sulit na ito dahil siksik ito sa kaalaman kung paano ka mag-iipon, magba-badyet at maging utang free!
If you want to order, click this link at ipapadala ko sa iyo ang 4 BEST SELLING BOOKS ko at may kasama pang FREE PISO PLANNER! https://chinkshop.com/pages/bbb

MORE Chinkee Tan wealth management advice here:

Ang Ipon Method na Magpapayaman Sa ‘yo Ngayong 2022! | Chinkee Tan

Paano Nakaipon ang Isang OFW ng Almost 500k sa Loob ng Isang Taon? | Chinkee Tan

Good News Pilipinas is a Lasallian Scholarum Awardee. TELL US your good news story tips by messaging GoodNewsPilipinas.com on FacebookTwitterInstagram, or e-mail editor@goodnewspilipinas.com and WATCH Good News Pilipinas TV YouTube & Good News Pilipinas TikTok for more Filipino Pride stories!

Facebook Comments
The Good News Pilipinas Team
The Good News Pilipinas Team
The Good News Pilipinas Team is a group of Filipino journalists who advocate putting more good news stories about the Philippines and Filipinos on the media.

Get Your Dose of Good Vibes!

Power Up Your Positivity! Catch all the Good-Vibes! Join the GoodNewsPilipinas.com VIP list and get your daily dose of sunshine and Pinoy Pride! Unwrap stories that put Filipino awesomeness in your life! CLICK the subscribe button for our e-newsletter and turn your inbox into a fiesta of feel-good news! Inspire your day, fuel your pride! 🇵🇭✨

- Advertisment -

Top Stories