Mapagpalang araw Sir Chinkee Tan, Please Hide my Identity, Im one of your avid fan and kaIPONARYO nyo po. Naiinspired din ako sa mga kapwa reader ko sa page nyo. Gusto ko lang din po mag share..
I’m married and Mother of two.
I started wayback 2008 since college day po, nag start po ko mg eloading business sa mga classmate ko at mga kapitbahay, and then si bf na husband ko na ngayon support lang nmn sakin, dahil tiwala sya yung pinagbilan nya ng sasakyan before e pinaikot ko sa pagpapautang, at yung tubo namam tinatabi ko at yung konti ginogrocery ko yung mother in law ko…
Ika nga nila teach your centavo to earn more pesos, and yes literal ako dyan na kahit centavos e tinatabi at iniipon at kahit ngayon yun ang binabayad ko sa mga parking lot fee. Pera parin nmn kasi yon para sakin at hindi mabubuo ang piso kung walang centavo.
Nung nagsama kami ni husband natuto po talaga kami mamaluktot, jeepney driver po sya at ako naman po noon ay nasa bahay lang. Malaking tulong din po ang mga cooperatiba na nagpapautang ng pera, nakabili po kami ng bahay at lupa noon 2010 nasa 70sqm, at nakapag patayo ulit nung 2013 ng bahay.
Ngayon po ay online seller/buyandsell/breeder kami ni husband.
3 na po ang bahay namin yung 2 po ay pinauupahan nmn para maging passive income, my lupa din kami na pinauupahan, my insurance na at st. Peter narin at 2 sasakyan balak parin namin mag dagdag pa ng investment para sa mga anak namin, pero palagi kong sinasabi sa kanila na maging masinop at magsipag sa hanapbuhay pagdating ng araw.
Mahilig po ko sa alahas pero hindi po alam ng marami e pang emergency funds po talaga namin yun akala kasi ng iba e yabang lang.. monthly dinadagdagan ko sya, parang ngiipon kanarin kasi sa ganung pamamaraan.
Since 2009 during college days mahilig na ko sa gold at ang una ko ngang nabili ay bracelet na worth 5k at na aapraised na ngayon ng 8k grabe yung market value ngayon, nung nag pandemic bumili ako sa isang jewelry shop naka 50% off sila at sinamantala ko yun, grabe ngayon ang taas ng appraise nung mga ininvest ko na gold.
Sakin lang kung ayaw nyo magsave ng pera sa bank isa ito sa pwedeng alternative.
Thank you sir ChinkeeTan
-Ms. Goldfinger (certified Iponaryo)
Nauuso na ang GOLD INVESTMENT! Ikaw? Ready ka na bang mag-ipon at mag-invest sa sa GOLD na tumataas ang value? This is the sign!
Tutulungan at iga-guide kita sa pamamagitan ng BEST SELLING BOOKS ko. Ito ang isa sa naging inspirasyon niya kaya niya unti-unting nakamit ang mga pangarap niya.
Good news! Naka-sale today ang 4 best-selling books ko P499 na lang. Pag bumili ka, may libre pa itong PISO PLANNER. So 5 libro ang makukuha mo! Sulit na sulit na ito dahil siksik ito sa kaalaman kung paano ka mag-iipon, magba-badyet at maging utang free!
If you want to order, click this link at ipapadala ko sa iyo ang 4 BEST SELLING BOOKS ko at may kasama pang FREE PISO PLANNER!: https://chinkshop.com/pages/bbb
MORE Iponaryo stories here:
Nagsimula sa wala, ngayon ay matagumpay na | Iponaryo
50 PESOS IPON CHALLENGE NA UMABOT NG 140K | Iponaryo
Good News Pilipinas is a Lasallian Scholarum Awardee. TELL US your good news story tips by messaging GoodNewsPilipinas.com on Facebook, Twitter, Instagram, or e-mail editor@goodnewspilipinas.com and WATCH Good News Pilipinas TV YouTube & Good News Pilipinas TikTok for more Filipino Pride stories!